-- Advertisements --

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon MAWAR.

Base sa datus ng DOST-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nitong alas-2 ng madaling araw ng Sabado ng pumasok sa PAR ang nasabing bagyo.

Dahil sa nakapasok na ito sa PAR ay tatawagin na lamang itong bagyong Betty.

Sa pagtaya ng PAGASA na bahagyang bumagal ang galaw nito habang tinatahak ang west northwestward ng bansa.

Patuloy din ang kanilang pagbibigay babala sa mga mangingisda na mapanganib pa rin ang pagpapalaot dahil sa nasabing super typhoon.