-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Iran na magkakaroon ng regional meeting para sa ligtas na ruta sa Strait of Hormuz.

Ayon sa foreign ministry ng Iran, gaganapin ang pulong sa araw ng Lunes sa bansang Oman.

Kabilang sa mga inaasahang dadalo ay ang mga kinatawan ng Iran at ilang mga Gulf states.

Kabilang sa mga tatalakayin ay ang resulta ng negosasyon sa pagitanng Iran at Oman.

Natitiyak nila na nais lamang ng Iran na magkaroon ng ligtas na paglalayag mula sa Strait of Hormuz.