-- Advertisements --
Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang super typhoon Hinnamnor.
Ayon sa Pagasa, tatawagin ito bilang bagyong Henry.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 195 kph at may pagbugsong 240 kph.
Kumikilos ito ng pakanluran timog kanluran sa bilis na 25 kph.
Samantala, ang bagyong Gardo naman ay namataan sa layong 1,065 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.
May lakas itong 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 10 kph.
Kapwa wala pang direktang impact ang dalawang bagyo ngayon sa ating bansa.