-- Advertisements --
Magpapatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo sa unang araw ng Setyembre.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na mayroong P0.32 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Habang aabot naman sa P3.83 ang bawas sa kada litro ng diesel at P3.84 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.
Magiging epektibo ang bawas presyo ng ala-6 ng umaga sa Setyembre 1.
Magugunitang sa loob ng dalawang linggo ay nagkaroon ng pagtaas ng presyo sa mga produktong langis.
Base sa pagtaya ng DOE na mayroong kabuuang P54.92 sa kada litro ang itinaas ng gasolina mula pa noong Enero hanggang Agosto 31 habang mayroong P59.06 naman sa kada litro ang itinaas na ng diesel at P51.65 sa kada litro ng kerosene.
















