-- Advertisements --
image

Nabawasan ang lakas ng super typhoon Henry habang nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, naapektuhan ito ng ibang weather system, habang nananatili sa naturang parte ng karagatan.

Huli itong namataan sa layong 530 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito nang patimog kanluran sa bilis na 25 kph.

Habang taglay ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.

Samantala, ang bagyong Gardo naman ay nasa 885 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon at patuloy na lumalayo sa ating bansa.