-- Advertisements --
Isang sunog ang sumiklab sa San Francisco High School sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City nitong Linggo ng umaga.
Agad na itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma, ‘di naglaon, itinaas ito sa ikatlong alarma dahil narin sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Nailagay sa kontrol ang sunog bago magtanghali. Isa sa mga apektadong bahagi ng paaralan ay ang faculty room.
Ayon sa BFP, ligtas naman ang katabing mall dahil sa fire wall na nagsilbing harang sa pagkalat ng apoy. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang alamin ang sanhi ng sunog at ang tinatayang halaga ng pinsala.
Isinasagawa na rin ang mopping-up operations sa lugar.