Umabot pa sa halos tatlong oras bago tuluyang maapula ang malaking sunog sa residential area sa Bacoor, Cavite.
Nagsimula ang sunog pasado alas-11 gabi ng Linggo at naapula na ito ng madaling araw na ng lunes sa Barangay Sineguelasan.
Itinaas pa sa ikaapat na alarma ang nasabing sunog.
Tumulong na rin ang ilang fire volunteer brigade mula sa National Capital Region para mabilisang maapula ang nasabing sunog.
Nahirapan pa ang mga bumbero na apulahin ang ang sunog dahil sa pakikipag-agawan ng mga residente sa hose para unahin ang kanilang mga bahay na nasusunog.
Naging masakit sa loob naman ng mga nasunugan dahil ang iba sa kanila ay inilikas matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.
Inaalam pa ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog sa nasabing lugar.