Aminado si Senador JV Ejercito na nahihirapan siyang pumili kung sino kina Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senator-elect Vicente Sotto III ang ihahalal niyang maging pangulo ng Senado sa pagpasok ng 20th Congress.
Kasama ni Ejercito ang dalawa sa Nationalist People’s Coalition.
Ayon sa senador, malaki ang utang na loob niya kay Sotto dahil naipasa niya ang kanyang mga isinulong na landmark legislation.
Samantala, sa ilalim naman aniya ng pamumuno ni Escudero, kabilang siya sa liderato ng Senado at tumatayo bilang deputy majority leader.
Pabiro namang sinabi ni Ejercito na tatakbo na lamang din daw siyang Senate President para di na siya mahirapan pang pumili.
Gayunpaman, naniniwala naman ang mambabatas na ang dapat na pangulo ng Senado ay ang makabubuti sa institusyon.
Samantala, napipinta rin si Senadora Imee Marcos na maging Senate President.
Sa panayam, sinabi ni Marcos, hindi niya iniisip ang labanan sa pagka-Senate Pesident. May ilan lang daw talaga na senador na gustong sya ang ibala para makipag-umpugan kay tambaloslos.
Ngunit aminado itong kada senador ay bukas na maging pangulo ng Senado.
Nakikinig naman daw si Marcos sa sinasabi ng mga kakandidato para sa pagkapangulo ng Senado na sina Escudero at Sotto.
Gusto raw niya ng solid na plataporma at kayang pangangalagaan ang pondo ng gobyerno.