-- Advertisements --

Patuloy ang pagdagsa ng mga request para sa repatriation mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Lebanon, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac.

Tiniyak naman ni Cacdac na nagpapatuloy ang libreng repatriation efforts ng pamahalaan at hindi ito titigil hangga’t nananatiling delikado ang kalagayan ng mga Filipino doon.

Ang pahayag ay kasunod ng airstrikes na isinagawa ng Israel sa southern suburbs ng Beirut noong gabi ng Eid al-Adha, matapos ang mga evacuation warning sa ilang gusali sa lugar.