-- Advertisements --

Hinikayat ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang kapwa mambabatas na ipagpatuloy ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang aktibidad na maituring na “China-created, China Embassy-funded at Chinese-manned” public relations firm na nag hire ng mga Filipino keyboard warriors kung saan target sa nasabing kampanya ang mga anti-China personalities at politicians at maging ang polisiya ng bansa sa West Philippine Sea.

Nais ni Barbers na mapanagot ang mga nasa likod ng PR Firm na Infinitus-China Embassy deal na nagdulot ng matinding banta sa interes ng bansa at seguridad lalo at tumitindi ang girian sa WPS.

Pina-iimbestigahan din ni Barbers sa kamara ang nasabing PR Firm ng sa gayon maparusahan ang mga Chinese at Filipino key board warriors na nagpapakalat ng maling impormasyon o fake news.

Nabatid na nagkaroon ng “service agreement” ang PR Firm na Infinitus sa Embassy ng Peoples Republic of China.

Pinabulaanan din ng Mindanaon lawmaker ang pahayag ng isa sa Infinitus officer sa pagdinig ng Senado dalawang linggo bago ang halalan noong Mayo 12, 2025 na pinangunahan ni Sen. Francis Tolentino na peke ang kopya ng service agreement sa pagitan ng China Embassy at Infinitus. 

Sa slide presentation ni Barvers sa pagdinig ng Tricom kahapon, inilabas ni Barbers ang mga kopya ng mga papeles sa pagpaparehistro ng SEC ng Infinitus, mga pahayag sa pananalapi, atbp, na sa katunayan ay may isa sa mga opisyal ng PR firm na kinilalang si Myka Isabel Pynton ang pumirma sa kasunduan sa pagitan ng embahada ng China at Infinitus.

Sinabi naman ni Laguna Rep. Dan Fernandez, Tricom chairman, na batay sa mga dokumentong nakuha mula sa Senado at iba pang mga sources ang Infinitus at ang benefactor nito ay gumagawa ng regular na buwanang gawain ng pagbuo ng isang line-up ng mga lokal at dayuhang isyu kung saan maaari silang sumakay sa kanilang mga pekeng balita at mga salaysay.