Napatay ng elepante ang isang sundalong Briton matapos ang ginawang operasyon laban sa mga poachers sa Malawi.

Kinilala itong si Matthew Talbot na namatay habang nasa operasyon.

Ayon sa kaniyang company commander Maj. Richard Wright, naging malaking tulong si Talbot laban sa mga kawatan.

Sinabi naman ni UK Defense Secretary Penny Mordaunt, na ang kaso ni Talbot ay nagpapakita kung gaano kadelikado ang buhay ng mga sundalong nakatalaga para protektahan ang mga wildlife.