Nagkasagupa ang mga sundalo ng China at India sa pinag-aagawang Himalayan border.
Ito ang unang insidente sa pagitan ng dalawang nuclear-armed Asian power ng halos dalawang taon.
Ayon sa Ministry of Defense ng India na nagtamo ng sugat ang mga sundalo nila at kabilang sundalo.
Ang 3,379 kilometero na disputed border ay matagal ng pinag-aagawan ng dalawang bansa.
Tumindi ang tensiyon noong Hunyo 2020 ng maganap ang hand-to-hand fighting sa dalawa at nagresulta sa pagkasawi ng 20 sundalo ng India at apat na sundalo ng China.
Ibinunyag pa ni Defense Minister Rajnath Singh ng India na tinangka ng People’s Liberation Army (PLA) troops at sinubukang tumawid sa line of actual control (LAC).
Noon pang 1962 ay pinag-aagawan ng dalawang bansa ang border kaya ipinatupad ang LAC pero nagpupumilit agawin ang border.