-- Advertisements --

Muling iginiit ng Malakanyang na ang liderato ni Acting Senate President Win Gatchalian ang kinikilala ng ehekutibo.

Reaksyon ito ng Palasyo matapos ipanukala ng kampo ni Sen. Alan Peter Cayetano ang isang “interim arrangement” o pansamantalang sistema sa pamamahala ng Senado para daw maprotektahan ang mga empleyado nito sa gitna ng sigalot sa liderato.

Ayon kay P Castro, walang maidudulot sa ngayon ang ganitong klaseng arrangement.

Sabi pa ni Castro, baka maulit lang ang nangyari dati sa House of Representatives kung daan hindi tinupad agad ni Cayetano ang term sharing agreement nila ni Cong. Lord Allan Velasco.

Sa ilalim ng mungkahing interim arrangement ng kampo ni Cayetano magpapatupad ng “dual-signatory” o “joint-certification” mechanism o dalawang pirma para sa mga disbursement, checks, vouchers, kontrata, at iba pang mahahalagang dokumento na may kinalaman sa operasyon ng Senado at Impeachment Court.