-- Advertisements --

Posible umanong ibalik ang Metro Manila sa mas mahigpit na community quarantine kung tumaas pa ang COVID-19 cases sa rehiyon ang kukulangin na ang bed capacity ng mga ospital.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, malalaman ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) batay sa mga datos pagdating ng Hulyo 15.

Ayon kay Sec. Roque, kabilang sa magiging basehan ang pagtaas ng doubling rate at kakayahan ng mga opistal sa critical care.

Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula Hunyo kung saan niluwagan ang mga restriksyon sa public transport at operasyon ng mga negosyo sa layuning makabawi ang ekonomiya.

Nakatakdang makipagpulong ang Department of Health (DOH) sa mga kinatawan ng mga ospital sa Metro Manila para alamin ang sitwasyon ng kanilang mga pasilidad.