Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na walang total ban sa e-bikes at e-trikes at maaari pa rin silang bumiyahe sa mga city at municipal roads.
Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, ang ipinagbabawal lamang ay ang pagdaan ng mga ito sa national highways at pangunahing kalsada gaya ng EDSA, C-5, Roxas Boulevard at iba pang major thoroughfares.
Sinabi ng LTO na ipinatutupad ang restriksyon dahil sa road safety concerns, lalo na sa pagkakaiba ng bilis ng e-bikes at e-trikes kumpara sa ibang sasakyan na maaaring magdulot ng aksidente.
Binigyang-diin ng ahensya na preventive measure ito at hindi pagpaparusa.
Sa Metro Manila, ipinatutupad ang naturang polisiya katuwang ang MMDA, habang sa mga lalawigan ay uunahin muna ang information campaign habang inaayos pa ng Transportation Department ang pinal na guidelines.














