-- Advertisements --

Nagkaroon nang pagbulusok ng stock markets sa ilang mga bansa at pagtaas ng presyo ng langis dahil sa banta ng bagong variant ng COVID-19.

Nagbabala kasi ang mga eksperto na ang B.1.1.529 COVID-19 variant na unang nadiskubre sa South Africa ay mapaminsala at mas nakakahawa kumpara sa Delta at Beta variants.

Dahil rin sa report ng nasabing variant ay bumagsak din ang share prices ng mga airlines at tourism groups kung saan inaasahan ang pagpapatupad ng travel restrictions ng maraming mga bansa.

Naniniwala naman ang mga business experts na alam na ng mga bansa ang kanilang gagawin dahil sa napagdaanan na nila ang nasabing sitwasyon ng unang manalasa ang Delta at Beta variants.