-- Advertisements --
Hindi papalawigin pa ng Sri Lanka ang ipinatupad nilang state of emergency.
Ipinatupad nila ang nasabing state of emergency para maipatupad ang control sa mga anti-government protest.
Sinabi ni Sri Lanka President Ranil Wickremesinghe, na ang hakbang ay para makabalik na sa sigla ang kanilang ekonomiya.
Nakatakda kasing magtapos na ang ipinatupad na state of emergency sa Agosto 18.
Sa nasabing pagpapatupad ay inaaresto ng mga kapulisan at sundalo an mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Magugunitang nagkaroon ng krisis sa nasabing bansa na nagresulta sa paglayas ni president Gotabaya Rajapaksa dahil sa kabi-kabilaang kilos protesta.