-- Advertisements --
Pagdedesisyunan ngayong araw ng gobyerno ng Japan kung kanilang papalawigin ang state of emergency sa buong bansa.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng fourth wave ng coronavirus na nagsimula noong Abril.
Nauna nang humirit ang mga governor ng Tokyo at Osaka sa national government na kung maaari ay palawigin pa ang state of emergency na magtatapos sa Mayo 31.
Nais kasi ng ilang opisyal ng dalawang lugar na palawigin ng hanggang Hunyo 20 ang state of emergency.
Magugunitang nagpatupad ng travel ban ang US laban sa Japan dahil umano sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.