-- Advertisements --
Nagdeklara ng state of emergency ang Iceland dahil sa pagsabog ng bulkan sa Reykjanes Peninsula.
Ang nasabing pagsabog ng bulkan ay siyang pang-apat na pagkakaton mula pa noong buwan ng Disyembre.
Umabot pa ang lava sa bayan ng Grindavik at inaasahan nito ay kakalat pa sa ibang bayan.
Dahil sa pangyayari ay pinalikas na ng mga otoridad ang mga residente na naninirahan sa nasabing lugar.
Hindi naman naapektuhan ang mga pangunahing paliparan sa nasabing pagputok ng bulkan.
Magugunitang unang pumutok ang bulkan noong Disyembre 8 ng nakaraang taon.