-- Advertisements --

Umani ng suporta mula sa kapwa niyang basketbolista ang desisyon ni Christian Standhardinger na magretiro na sa pagiging bahagi ng Gilas Pilipinas.

Nais kasi nitong sundan ang kapwa Gilas player na si Jayson Castrol na ipasa ang paglalaro sa Gilas sa mga mas batang henerasyon ng mga manlalaro.

Sa kaniyang social media post sinabi nito na naging mabigat ang nasabing desisyon ng pagreretiro sa paglalaro sa Gilas.

Paliwanag nito na hindi na niya kayang pagsabayin ang paglalaro sa national team at sa PBA.

Sa huling laro niya sa Southeast Asian Games sa Cambodia ay inamin niyang maaring ito na ang huling paglalaro dahil sa nararamdaman niya ang pananakit ng kaniyang tuhod at ilang bahagi ng katawan.

Ipinagmalaki nito na mayroon siyang mga magandang ambag sa paglalaro sa national team.

Ang 33-anyos na si Standhardinger ay siyang tumulong sa Pilipinas para manalo ng gold medal noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur at 2019 SEA Games na ginanap sa
dito sa Pilipinas.

Ilan sa mga nagbigay ng pugay at suporta ay ang kapwa Gilas Players at kasamahan sa koponan sa PBA.