-- Advertisements --

Ipinakita na ni US President Donald Trump ang mga nominado ng Kennedy Center Honors.

Pinangunahan ito ni Hollywood actor Silvester Stallone, country music great George Strait, disco diva Gloria Gaynor, legendary band Kiss at British theater star Michael Crawford.

Sinabi ni Trump na kabilang siya sa mga selection committee kung saan kinilala ang nasabing mga pangalan na dapat mabigyan ng pinakamataas na award sa larangan ng arts.

Nagbiro pa si Trump na kung maaari ay kasama siya subalit hindi ito nakakuha ng nominasyon.

Gaganapin ang awarding sa buwan ng Disyembre kung saan pangungunahan ito ni Trump.