-- Advertisements --

Gugunitain ni US President Donald Trump ang ika-25 taon ng September 11 terror attack sa pamamagitan ng pagbisita sa ground zero.

Si Trump na native ng New York ay hindi dadalo sa seremonya na gaganapin sa World Trade Center at sa halip ay si Vice President JD Vance ang magtutungo.

Hindi naman aniya ugali ang magbigay ng anumang pahayag o talumpati sa nasabing okasyon.

Asahan din na dadalaw din ang US President sa National September 11 Memorial and Museum.

Pagkatapos nito ay magtutungo si Trump sa Pentagon, isa sa lugar na tinarget ng mga terorista noong Setyembre 11.