-- Advertisements --

 Pinarangalan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng honorary Doctor of Laws degree sa ika-58 commencement exercises ng unibersidad na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC), nitong Huwebes , Agosto 27, 2026.

Tinanggap ni Marcos ang pagkilala nang may pagpapakumbaba at pasasalamat, habang kinikilala ang responsibilidad na kaakibat ng parangal.

Ayon sa Pangulo, mahalaga ang edukasyon bilang daan tungo sa mas maraming oportunidad at bilang susi sa pag-unlad ng bansa.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng paggamit ng kaalaman para sa karunungan, progreso, at serbisyo sa bayan.