-- Advertisements --
Nagbanta si US President Donald Trump na sila ay gaganti sa anumang pag-atake na gagawin ng Iran sa Jordan.
Ayon kay Trump na lahat ng mga Iranian missiles na pinalipad patungong Jordan ay naharang nila.
Maliban lamang sa isa na hindi naman naging banta.
Muling iginiit ni Trump na nagkukumahog ang Iran sa US para makapirma sila ng kasunduan.
Una rito ay ibinunyag ng Iran na kanilang tinamaan ang dalawang airbases sa Jordan.
Ito ang unang naitalang palitan ng pag-atake ng US at Iran matapos ang ilang linggo.
















