-- Advertisements --

Inasahan na ng state-run pension fund na Social Security System (SSS) ang pagtaas ng kita nila ngayon taon.

Ayon kay SSS president and CEO Rolando Macasaet na asahan ang 20 percent o mahigit na P100 bilyon na kita ngayong taon.

Ilan sa mga malaking tulong nito ay ang pinaigting na collection at ang pinataas na investment returns.

Noong nakaraang taon kasi ay nagtala sila ng collection profit na P83.13 bilyon.

Sa kasalukuyan ay mayroong 42 milyon na SSS members subalit kalahati lamang o nasa 20 milyon ang aktibong nagko-contribute sa fund.