-- Advertisements --
Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga retiree-pensioners na tangkilikin ang kanilang low-interest pension loan program (PLP).
Ang nasabing programa aniya ay kanilang inilunsad para maiwasan ang tinatawag na Sangla-ATM na mga money lenders.
Sinabi ni Rolando Macaset, pangulo at chief executive officer ng SSS na ang PLP ay mayroong 10 percent na interest sa loob lamang ng isang taon.
Bukod sa mababang interest ay hindi nila hihilingin na i-surrender ang kanilang mga ATM cards.
Maaring makautang ang mga retiree-pensioner ng hanggang P200,000 at pagtitiyak din ng SSS na makakapag-uwi rin nila ang kanilang 47.25 percent ng kanilang buwanang pension.