Binigyan ng pagkakataon ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na leeway sa pagbabayad ng kanilang kontribusyon.
Sa inilabas na circular ng SSS na kasama rin dito ang pagsumite ng sickness notifications.
Pinalawig ang deadline remittances ng contributions at submissions ng sickness notification para sa employers matapos na maapektuhan ng multi factor authentication at nagdagdag sila ng security features sa log-in details ng SSS portal.
Nakasaad sa circular na ang mga business employers na ang mga kontribusyon para sa Setyembre at Oktubre ay maaaring bayaran ng hanggang sa katapusan ng Disyembre.
Habang ang mga household employers contributions sa buong third quarter ay maaaring maisettle ng hanggang sa katapusan din ng Disyembre.
Hanggang Disyembre 29 lamang ang mga contingency dates na nagsimula noong Oktubre 20 hanggang Disyembre 19.