Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na gagamit na sila ng computer-generated payment reference numbers (PRN) para sa pagbabayad ng short-term loan simula sa Abril 1, 2021.

Sinabi ni SSS president and CEO Aurora Ignacion na sinimulan na nila ang paggamit ng PRN para sa short-term member loan payments noong nakaraang taon bilang bahagi ng kanilang Real-Time Processing of Loan (RTPL) program.

Sakop ng nasabing transaksyon ang salary, calamity, emergency at restructured loans.

Maglalabas aniya sila ng advisories sakaling magsisimula na silang tumanggap ng loan payments ng PRN.