-- Advertisements --
Mas pinadali na ng Social Security System ang paghahain ng disability benefit claim applications ng kanilang mga miyembro.
Ayon sa SSS na sa pamamagitan ng online ay maari ng makapaghain ng kanilang mga miyembro ng disability benefit claims.
Sinabi ni SSS President and CEO Rolando Ledesma Macasaet na ang nasabing hakbang ay napapaloob sa Ease of Doing Business and Efficient Government Services Delivery Act of 2018.
Ang sinumang nais na mag-avail nito ay dapat ay nakarehistro sa MySSS account sa kanilang website at mayroong Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card na naka-enroll bilang ATM.










