Pasok na sa 2026 Playoffs ang San Antonio Spurs matapos ibulsa ang ika-52 panalo ngayong season.
Pinaluhod ng Spurs ang Phoenix Suns sa pagharap ng dalawa ngayong araw March 20, gamit ang 4th quarter comeback upang ibulsa ang 1-point win sa pagtatapos ng regulation, 101-100.
Muling nagpakita ng clutch performance ang rising team na Spurs sa pangunguna ng sentro nito na si Victor Wembanyama. Kumamada si Wembanyama ng 34 big points mula sa kaniyang 10 field goals at 12 perfect free throws. Nagtala rin siya ng 12 rebounds at tatlong steals.
Sinamantala ng Spurs ang 8-of-21 shooting ng Suns guard na si Devin Booker upang paluhurin sa clutch time, gamit ang 28-21 overall 4th-quarter scoring. Ang huling 2 points dito ay mula sa jumper ni Wembanyama, 1.1 seconds bago tuluyang matapos ang laban.
Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang Spurs sa Playoffs matapos ang anim na taong absence sa postseason.
Nagawa ito ng rising team matapos ang ginawang 20-2 run sa nakalipas na 22 games kung saan mahigpit nitong nahawakan ang ikalawang pwesto sa West.
Ang anim na taon na hindi nakakapasok sa Playoffs ang naturang koponan ay ang pinakamahabang panahon na nawala ito sa postseason.
Ang Spurs ang ikalawang team ngayong season na nakapasok sa playoffs, sunod sa Oklahoma City Thunder.
















