-- Advertisements --

Inakyat ng tinaguriang “Spider-Man” ng France ang 48-storey skyscraper sa Paris.

Ang nasabing hakbang ay bilang pagdiriwang ni Alain Robert ng kaniyang ika-60 kaarawan.

Walang anumang gamit na lubid o harness ay lakas loob nitong inakyat ang Tour TotalEnergies sa Defense business district.

Sinabi nito na nais nyang iparating sa nakakarami na kahit sa edad nitong 60 ang isang tao ay marami pa rin itong kayang gawin.

Isa rin aniyang pangako nito sa sarili na pagdating sa 60 ay kaniyang aakyatin muli ang nasabing gusali dahil ang 60 ay sumisimbolo ng retirement age sa France.

Gaya ng mga nagdaang ginawa nito ay matapos ang kaniyang pag-akyat ay inaresto siya ng mga kapulisan dahil sa hindi nito pagpapaalam sa mga otoridad sa ginawa nitong pag-akyat.

Si Robert ay nakilala sa pag-akyat ng ilang mga sikat at matataas na gusali sa mundo gay ang Burj Khalifa sa Dubai na siyang pinakamataas sa buong mundo.