Itinakda sa Nobyembre 21 ang laban nina Errol Spence Jr at Danny Garcia.

Ayon sa World Boxing Council, nagkasundo ang dalawa kung saan idedepensa ni Spence ang kaniyang WBC welterweight title laban kay Garcia.

Hindi naman nila binanggit kung saan ito gaganapin.

Huling laban ni Spence ay sa split decision victory kay Shawn Porter noong Setyembre at matapos ang isang buwan ay naaksidente ito.

Habang si Garcia ay nanalo laban kay Ivan Redkach ng Ukraine noong Enero.

Kasabay din nito inanunsiyo ng WBC ang laban ni Shawn Porter kay Sebastian Formella sa Agosto 22 na gaganapin sa Los Angeles.