-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na walang kinalaman ang mga kongresista sa isinusulong na People’s initiative (PI).

Gaya ng sinabi ni Speaker Romualdez na ang PI ay isang “purely civilian matter”.

Ito ang tugon ni Speaker ng tanungin ito kaungay ng sinabi ni Pimentel na nag-uugnay sa Kamara sa PI.

Dagdag pa ni Romualdez na walang ipinasang resolution at walang panukalang batas na isinusulong ang Kamara hinggil dito.

Paglilinaw pa ng lider ng Kamara wala din partisipasyon ang mga congressmen sa pangangalap ng pirma kaya hindi lubos maisip ni Speaker kung saan nagmumula ang isyu.

Ayon sa Speaker mistulang nakakakita ng multo si Pimentel at kanyang mga kapwa senador kaugnay ng PI at sa pangangalap ng pirma kaugnay nito.

Kasabay nito, sinabi ni Romualdez na wala itong nakikitang masama kung sasagot ang mga kongresista at senador kaugnay ng PI upang maipaliwanag ito sa publiko.