-- Advertisements --
Tuluyan ng nagbitiw sa kaniyang puwesto si Luis Rubiales bilang pangulo ng Spanish soccer federation.
Kasunod ito sa kritisismo na kaniyang natanggap matapos na halikan sa labi ang football player na si Jennifer Hermoso ng magkampeon ang Spain sa FIFA Womens World Cup.
Sinabi nito na isinumite na nito ang kaniyang resignation letter kay Pedro Rocha ang interim president.
Nakasaad din na nagbitiw din siya bilag vice president ng UEFA ang football federation sa Europa.
Una ng pinatawan ng 90 days provisional suspension ng FIFA si Rubiales dahil sa ginawa nito.