Nakapagtala ang Spain ng bagong record ng pagkamatay matapos na madapuan ng coronavirus.

Umabot kasi sa 849 ang nasawi sa isang araw nitong Martes.

Dahil sa bilang ay mayroon ng 94,417 ang kabuuang kaso kung saan mayroong pagtaas ng 11 porsyento.

Sinabi ni Maria Jose Sierra, ng health ministry emergencies coordination unit na ang pagtaas ay maliit lamang na porsyento sa kabuuang bilang.

Samantala nagtala ng 381 na bagong kaso ng kamatayan dahil sa coronavirus ang Britain.

Nasa 1,789 ang nasawi mula sa dating 1,408.

Nasa edad mula 19 hanggang 98 ang nasawi.

Nitong Sabado ay mayroon lamang 260 ang record ng nasabing bansa.

Umabot na sa 25,150 na katao ang nagpositibo sa virus sa Britain kabilang na si Prime Minister Boris Johnson.