-- Advertisements --

Nasa ilalim ngayon ng matinding init ng panahon ang Spain matapos maranasan ang first official heatwave ngayong 2026, kung saan umabot sa humigit-kumulang 40 degrees Celsius ang temperatura sa Madrid.

Ayon sa mga report, maraming turista at lokal na residente ang nahirapang ma-adopt ang sobrang init, lalo na sa mga matataong lugar gaya ng El Rastro flea market.

Nabatid na may ilang turista rin na gumamit pa ng portable electric fan at nagsuot ng puting damit upang kahit papaano ay maibsan ang init habang naglalakad.

Ayon sa Spanish weather agency, 13 sa 17 rehiyon sa Spain ang nasa orange heat alert, habang ang Basque Country ay nakararanas ng red alert—pinakamataas na babala dahil sa matinding init.

Inaasahang magpapatuloy ang heatwave hanggang sa araw ng Huwebes.

Nagbabala ang mga awtoridad sa posibleng epekto nito sa kalusugan, lalo na sa mga matatanda at mga vulnerable na grupo, at sa pagtaas ng panganib ng mga wildfire.

Dahil sa matinding init, ilang bansa sa Europa ang nagpatupad na rin ng mga hakbang tulad ng babala sa pag-biyahe, alcohol restrictions, at pagsasara ng ilang public areas gaya ng fan zones sa football events.