-- Advertisements --

Sa kabila ng paglabas ng bagyong Crising sa Philippine Area of Responsibility, patuloy pa ring magdadala ng mga pag-ulan ang Southwest Monsoon o habagat sa ilang bahagi ng bansa.

Patuloy naman ang paglayo ng bagyong Crising sa teritoryo ng bansa kung saan huli itong namataan sa layong 345 km West ng Itbayat, Batanes sa labas ng PAR.

Asahan ang Monsoon rains sa bahagi ng Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro dahil sa epekto ng habagat.

Parehong weather system rin ang iiral dito sa Metro Manila, Ilocos Region, Abra, Benguet, nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at  Negros Occidental na magdudulot ng paminsan-minsan pag-ulan.

Makulimlim na panahon naman ang mararanasan hanggang  sa pagkakaroon ng mga kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog -pagkidlat sa nalalabing bahagi ng Luzon,  Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Lanao del Sur at Mindanao.

Sa ngayon ay wala pang panibagong sama ng panahon ang nabubuo sa loob at labas ng PAR.