-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa White House si South Korean President Yoon Suk Yeol.

Ayon sa White House na gaganapin ang pagbisita nito sa darating na Abril 26.

Ang nasabing pagbisita ay bilang bahagi ng pagpapaigting ng dalawang bansa ng kanilang matibay na ugnayan laban sa banta ng North Korea.

Ito na ang pangalawang beses na bumisita ang mataas na opisyal ng South Korea sa termino ni Biden.

Ang state visit ay kinabibilangan ng state dinner sa presidential mansion sa Washington at sasabayan ng pagdiriwang ng ika-70 taon anibersaryo ng bilateral ties.

Magugunitang ikinagalit ng North Korea ang patuloy na military exercises ng dalawang bansa sa Korean Peninsula.