-- Advertisements --

Nagsagawa ng test fire ng kanilang long-range surface-to-air missile ang South Korea.

Bagamat hindi ito kinumpirma ng MInistry of Defense ang ulat ay iniulat ng Yonhap news agency na isang L-SAM ang pinalipad ng South Korea sa testing site na Taean o halos 150 kilometers ang layo nito sa capital na Seoul.

Isinagawa ang pagpapalipad ng South Korea ilang buwan matapos na nagsagawa ang North Korea ng ilang beses na missile test.

Itinuturing ng South Korea na ang L-SAM bilang “cutting-edge indigenous weapon system” na kasalukuyang inaayos para pagdepensa laban sa banta ng ibang missiles.

May desenyo ito bilang “layered defense network” na kinabibilangan ng US-made Patriot Advanced Capability- 3 missiles at locally produced na Cheongung II KM-SAM na isang medium-range weapon na kayang humarang ng targets ng iba’t-ibang taas at uri.