-- Advertisements --

Patay ang isang boksingero sa South Africa matapos na ito ay magtamo ng internal bleeding sa utak.

Ayon Boxing South Africa (BSA) na biglang nag-collapse ang 24-anyos na si Simiso Buthelezi sa kaniyang laban noong Hunyo 5.

Itinakbo pa ito sa pagamutan subalit hindi na nito nakayanan ang injury sa ulo.

Tiniyak ng Boxing South Africa na magsasagawa sila ng hiwalay na imbestigasyon sa nangyaring insidente.