Ipapaubaya na lamang ni Senate President Vicente Sottto III sa kaniyang mga kapwa mambabatas kung pananatilihin pa ba siya bilang pangulo ng Senado.

Sinabi nito na nasa kamay ng mga senador ang desisyon kung sino ang nais nilang maging lider.

Magpapasalamat naman ito kung maglabas sila ng resolution na sumusuporta sa kanilang posisyon.

Tiniyak pa rin nito na ang Senado ay nananatili bilang independent institution na mayroong mataas na approval at trust rating.

Reaksyon ito ni Sotto sa resolution na ginawa ni Senator Panfilo Lacson na nagpapahiwatig kina Senator-elect Imee Marcos at Francis Tolentino na pagpapalit ng liderato sa Senado.