-- Advertisements --

Hindi dadalo si Solicitor General Jose Calida sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises nitong araw patungkol sa nakabinbin na franchise renewal bills ng media giant ABS-CBN.

Sa kanyang liham na ipinadala sa chairman ng komite na si Palawan Rep. Franz Alvarez, iginiit ni Calida na hindi siya maaring makibahagi sa naturang pagdinig base sa sub judice rule.

“This rule aims to immunize the court from every extraneous influence and to maintain the dignity and authority of the court in the administration of impartial justice,” ani Calida.

Tumatayo kasi ngayon si Calida bilang statutory counsel para sa National Telecommunications Counsel (NTC), na siyang naglabas ng cease and desist order laban sa ABS-CBN isang araw matapos na mapaso ang 25-year franchise nito noong Mayo 4.

Nagsisilbi kasing kinatawan ng NTC ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Petition for Certiorari and Prohibition na inihain ng ABS-CBN sa Korte Suprema.

Mababatid naghain din ng Quo Warranto OSG sa Supreme Court laban sa validity ng napasong prangkisa ng ABS-CBN.