Pinaiimbestigahan na ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang nangyaring panloloob sa City Hall ng kanilang syudad, partikular na sa social welfare office.

Ayon kay Gatchalian, sisilipin ng mga otoridad ang anggulong inside job dahil walang palatandaan ng pwersahang pagpasok.

Lumalabas na mga personal na gamit ang nawala, kagaya ng laptop at iba pang gadget.

Maging ang sinasabing alitan ng ilang tauhan ay isasama na rin sa imbestigasyon para sa ikalilinaw ng kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here