-- Advertisements --
Nanguna ang Valenzuela LGU sa pag-repurpose sa bulto-bultong campaign materials na nakuha sa lungsod matapos ang halalan ngayong taon.
Karamihan sa mga ito ay mga tarpaulins at posters na kung saan-saan nakasabit.
Pinangunahan ito mismo ng Local Economic Development and Investment Promotion Office kung saan lahat ng mga nakolektang campaign tarps ay ginawang livelihood project.
Karamihan sa mga ito ay ginawang bag, apron, pitaka, at iba pa na pakikinabangan ng mga residente.
Tiniyak naman ng Valenzuela LGU na patuloy silang magsusulong ng mga programang makakatulong sa pamumuhay ng kanilang mamamayan.
Bahagi rin ito ng programa ng lokal na pamahalaan na Go Green Valenzuela.