-- Advertisements --

Inanunsyo ng Meralco na magkakaroon ng mga scheduled power interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Batangas, Rizal, Cavite, at Laguna ngayong linggo dahil sa isasagawang maintenance works gaya ng pole replacement, line reconductoring, at installation ng mga pasilidad.

Mga apektadong lugar:

  • Parañaque (Abril 15–16): Mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng San Antonio Valley 14 at Marcelo Green Village mula alas-9 ng umaga hanggang hapon dahil sa line and pole works.
  • Caloocan at Valenzuela (Abril 16): Apektado mula alas-9 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon ang bahagi ng Kaybiga at Bignay dahil sa pole at line reconductoring.
  • Mandaluyong (Abril 16): Apektado ang San Miguel Corp. Head Office at Petron Gas Station sa Wack Wack Greenhills East mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
  • Bulacan (Abril 15–16): Mararanasan ang pagkawala ng kuryente sa Marilao, Bustos at Plaridel dahil sa line works na magsisimula ng alas-9 ng umaga at magtatagal ng ilang oras.
  • Batangas City (Abril 15–16): Walang kuryente mula alas-10 ng gabi hanggang ala-1 ng hapon sa ilang bahagi ng Brgy. Dalig at Dumantay para sa line reconstruction.
  • Rizal (Abril 15–16): Apektado ang ilang bahagi ng Angono, Binangonan at Teresa mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw dahil sa pagpapalit ng poste at linya.
  • Cavite (Abril 16–17): Mawawalan ng kuryente ang San Miguel – Purefoods Plants sa Gen. Trias at ilang bahagi ng Carmona City at Biñan dahil sa internal at external line works.
  • Laguna (Abril 18–19): Magkakaroon ng maikling interruption ang Lucky Nine Properties Inc. sa Sta. Rosa bilang bahagi ng maintenance activities.

Pinapayuhanang mga residente at establisimyento na maghanda at sundan ang mga opisyal na anunsyo ng Meralco para sa karagdagang impormasyon.