-- Advertisements --
Desidido ang San Miguel Beermen na maitabla sa 1-1 ang best of seven semifinals nila nt TNT Tropang Giga.
Ito ay matapos ang masaklap na pagkatalo ng koponan 89-88 nitong Linggo.
Sinabi ni SMB head coach Leo Austria na hindi na nila hahayaan na makuha pa ng TNT ang ikalawang panalo dahil sa mahihirapan na silang mahabol ito.
Aminado si Austria na maraming mga magagaling na bench players ang TNT na siyang naging susi sa panalo sa first game.
Ilan sa mga diskarteng gagawin nila ay pagbabawas ng mga turnovers.
Gaganapin ang Game 2 sa October 6 sa Pampanga.