-- Advertisements --

Nakatawid na sa Itbayat, Batanes ang severe tropical storm Siony.

Ayon sa Pagasa, naitala ang pagtama ng bagyo sa naturang isla kaninang alas-7:50 ng umaga.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 30 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.

SIGNAL NO. 2:
Batanes at Babuyan Islands

SIGNAL NO. 1:
Northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes), northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan) at northern portion ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra).