Pinag-iisipan ngayon ng sinibak na Philippine ambassador to Brazil na si Marichu Mauro na iakyat ang isyu ng pagkakasibak niya sa korte.
Matatandaang tinanggal si Mauro, matapos kumalat ang video ng pananakit nito sa kaniyang kasambahay na isa ring Pinay, habang nasa Brazil.
Para sa dating Philippine envoy, hindi siya nabigyan ng sapat na konsiderasyon.
Mali rin daw ang naging paghawak sa kaniyang kaso ng binuong panel para mag-imbestiga.
Sana raw ay binigyang bigat din ng DFA ang mga “letter of support” na nagmula sa ilang overseas Filipinos, na nagsasabing hindi naman talaga malupit ang Philippine envoy to Brazil.
“I wish the DFA had considered the letters of support from overseas Filipinos attesting that I am not the cruel person depicted in those uncontextualized videos,” wika ni Mauro.