Magsisimula ngayong araw ang dry run ng single ticketing system sa National Capital Region.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Melissa Carunungan na ang unang test run ay isasagawa sa ilang lungsod sa Metro Manila.
Kinabibilangan ito ng Quezon City, Manila City, Parañaque City, Muntinlupa City, Caloocan City, Valenzuela City at San Juan City.
Itinuturing na may magandang epekto ito sa mga motorista dahil sa mayroon ng pare-parehong multa ang top 20 common traffic violations.
Nakasaad kasi sa Metro Manila Traffic Code of 2023 na mayroong mula P500 hanggang P5,000 ang ilang mga pangkaraniwang violations gaya ng obstruction, driving without license, reckless driving, overloading at iba pa.
Magpapakalat ang MMDA ng nasa 900 na enforcers para implementasyo ng single ticketing systems.