-- Advertisements --

Pumanaw na ang singer-songwriter na si Davey Langit sa edad na 38.

Kinumpirma ng kaanak nito sa kanilang social media page subalit hindi na binanggit pa ang sanhing kamatayan nito.

Nitong Agosto lamang ng ibinunyag ng singer na na-diagnosed siya ng spondylodiscitis isang uri ng infection sa spinal.

Isa sa mga pinasikat niyang kanta ay ang “Selfie” na napapanahon sa makabagong henerasyon.

Nagsimula ang kaniyang entertainment career bilang contestant ng reality show noong 2006.

Ilan sa mga kantang ginawa niya ang “Wedding Song” at “Dalawang Letra”.

Ang kanta nitong “Dalawang Letra” ay nagwagi sa Himig Handog P-pop Love Songs competition noong 2016.

Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay ang ilang mga singer at songwriters matapos na mabalitaan ang malungkot na balita.